2 Mga Taga Cor 11:3 Nguni't ako'y natatakot, baka sa anomang paraan, kung paanong si Eva ay nadaya ng ahas sa kaniyang katusuhan, ang inyong walang malay at malinis na mga pagiisip na kay Cristo ay pasamain. PagsisiAng Nag-iisang ‘pagkilos’ ng pagsisi na makapagligtas, ay pagsisi (pagbago ng isip) mula sa hindi paniniwala patungo sa paniniwala sa Panginoong Hesukristo bilang Panginoon at Tagapagligtas. Ang Pagbaling kay Hesukristo para sa kapatawaran ng ating mga kasalanan. Ano ang kaugnayan sa pagitan ng pagsisi at kaligtasan? Ang Aklat ng Mga Gawa tila lalo na tumuon sa pagsisi tungkol sa kaligtasan (Mga Gawa 2:38; 3:19; 11:18; 17:30; 20:21; 26:20). Upang Magsisi, na may kaugnayan sa kaligtasan, ay upang baguhin ang iyong isip sa pagsasaalang-alang sa HesuKristo. Sa sermon ni Pedro sa araw ng Pentecostes (Mga Gawa Kapitolo 2), Nagdagdag siya ng may tawag para sa mga tao upang magsisi (Mga Gawa 2:38). Pagsisi mula sa ano? Tinatawag ni Pedro ang mga taong tumanggi kay Jesus (Mga Gawa 2:36) upang magbago ng kanilang mga pag-iisip tungkol sa kanya, upang makilala na siya talaga ang ‘Panginoon At Kristo’’(Mga Gawa 2:36). Tinatawag ni Pedro ang mga tao upang magbago ng kanilang mga pag-iisip mula sa pagtatanggi, hindi paniniwala kay Kristo bilang Mesias patungo sa pananampalataya sa kanya bilang parehong Mesias at Tagapagligtas. Maraming nakaka-intindi sa salitang pagsisi na ang ibig sabihin lang ay, ‘’pagluluksang pagbaling mula sa kasalanan’’ o kaya’y ‘maghingi ulit ng tawad’’. Ito ay hindi lamang bibliyang kahulugan ng pagsisisi. Sa Bibliya, ang simpleng ibig sabihin ng salitang pagsisi: ‘upang baguhin ang pag-iisip’’, Ito ay mula sa hindi paniniwala patungo sa paniniwala kay Kristo bilang Tagapagligtas. Sa Bagong Tipan, ang salita ay isinalin bilang ‘pagsisi’ ay μετάνοια (metanoia) sa salitang greyigo. ‘Pagkatapos/sa likod ng isip’’, (pagkatapos na kung saan ay isang tambalang salita ng 'meta' ang pang-ukol, na may), at ang pandiwang ‘noeo’(upang malasahan, mag-isip, ang resulta ng paglasa o pag-obserba). Ang metanoia ay nagpapahiwatig na ang isa ay mamayang dumating ito sa ibat-ibang pagningin ng isang bagay. Habang ito’y bagong paningin ito’y maaaring makabuo ng isang madamdamingl tugon, Ang damdamin ay hindi ang pokus ng salita. Meron pang isang greyigong salita, ,μεταμέλλομαι, metamelomai (mula sa meta = may; melei = upang pakialaman), na nangangahulugang magkaroon ng pagsisisi o ikinalulungkot. Ibig sabihin ng Metamelomai ay, “ upang magsisi, ikinalulungkot; magkaroon ng sama ng loob sa sarili para sa kung an gang nagawa, upang bahugin o baguhin ang sariling layunin, may pag-aagam-agam na kahihinatnan sa isang nakaraang transakyon; magkaroon ng pagdurusa ng pag-iisip, sa halip na baguhin ang pag-iisip, at pagbago ng layunin, sa halip ng pagbago ng puso. Ang salitang greyigo na may kahulugang “ upang maghingi ng patawad, upang “magkaroon ng pagsisi” o “ikinalulungkot’’ (metamelomai) ay ginamit ni Judas sa Mt 27:3 Mat 27:3 At Si Judas, na nagkanulo sa kanya, nang nakita niya na siya ay hinatulan, nagsisi sa kanyang (μεταμέλλομαι) sarili, at dinala ulit ang tatlumpung piraso ng pilak sa mga punong pari at mga matatanda. Metanoya (pagsisi) ay nangangahulugan ng pagbabago ng puso alinman sa pangkalahatang o sa paggalang ng isang tiyak na kasalanan, samantala ang metamelomai ay nangangahulugang `nakakaranas ng pagsisisi. 'Ang Metanoya ay nagpapahiwatig na ang isa ay mamayang dumating ito sa isang iba't ibang mga pagtingin ng isang bagay, ang metamelomai na ang isa ay may iba't ibang mga pakiramdam tungkol dito. " 2 Mga Taga Cor. 7:10 Sapagka't ang kalumbayang mula sa Dios, ay gumagawa ng pagsisisi sa ikaliligtas, na hindi ikalulungkot: datapuwa't ang kalumbayang ayon sa sanglibutan ay ikamamatay.Maraming pagkakamaling kalungkutan para sa pagsisisi. Ang taludtod na ito ay nagpapakitang, ang makadiyos na kalungkutan ay humahantong sa pagsisisi, ngunit ito ay hindi mga parehong bagay. Ang salitang Ingles na "repent" ay nagmula sa salitang Latin na repoenitere (re = muli; paenitere = upang maghingi ng paumanhin), at minamana ang kahulugan ng Latin. Ngunit ang pangaral ng sinaunang propeta, ni Jesus, at ng mga apostol na nagpapakita na ang pagbabago ng pag-iisip ay ang nangingibabaw na ideya ng karamihan ng mga salitang isinalin. Itong Pagbabago ng pag-iisip ay isang bagay rin na bigay ng Diyos: 2 Timoteo 2:25 Na sawaying may kaamuan ang mga nagsisisalangsang; baka sakaling sila'y pagkalooban ng Dios ng pagsisisi sa ikaaalam ng katotohanan, (μετάνοια) Ito ay mahalagang maunawaan natin na ang pagsisisi ay hindi isang trabahong ginagawa natin upang maangkin ang kaligtasan. Walang sino man ang makapagsisi at maka lapit sa Diyos maliban na lang kung ang Diyos ang maghila sa tao patungo sa kanya (Juan 6:44). Mga Gawa 5:31 at 11:18 ay nagpapahiwatig na ang pagsisi ay bagay na binibigay ng Diyos---- at ito ay possible lamang dahil sa kangyang pagpapala. Walang sino mang makapagsisi maliban nalang ang kung Diyos ay mag bigay ng pagsisi. Lahat ay sa Kaligtasan, kabilang ang pagsisi at pananampalataya, itp ay resulta ng paglapit ng Diyos sa atin, binubuksan ang ating mga mata, at binabago an gating mga puso. Ang mapagtiisin ng Diyos ay humahantong sa ating pagsisisi(2 Pedro 3:9), pati na rin ang kanyang kabaitan (Roma 2:4).
Ang Hinggil Sa Bibliyang Pagsisisi ay simpleng Pagbabalik sa Panginoon.Ang Kaligtasan ay sa Panginoon, hindi sa tao. Ang nagbagong buhay ay resulta ng tunay na pagsisisi. Hindi natin binibigay ang ating mga kasalanan para maligtas; binibigay natin an gating mga kasalanan DAHIL TAYO AY LIGTAS NA. Ang Diyos ang gumagawa ng pagbabago. Ang kaligtasan ay sa pamamagitan ng biyaya sa pamamagitan ng pananampalatayang nag-iisa kay Kristo (Efeso 2:8,9).Walang mga kinakailangan o kundisyon para sa kaligtasan. Ililigtas ng Diyos ang sinumang nagkasala at makasalanan na nagtiwala kay Jesus para sa kaligtasan. Ang kaligtasan ay nangyayari kapag ang isang tao kinikilala ang kanilang pagkakasala ng kasalanan, darating sa Diyos sa batayan ng pagiging isang makasalanan na karapat-dapat-sa impiyerno; naniniwala kay Jesus, ang Kristo, ang Anak ng Diyos, para sa kapatawaran ng mga kasalanan. Mga Gawa 10:43 Sa kanya ang pinatotohanan ng lahat ng mga propeta, na sa pamamagitan ng kanyang pangalan kung sino man ang maniniwala sa kanya ay makakatanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan. Ang tanging bagay na kailangan nating pagsisihan ay, at talikuran para maligtas ay ang ating hindi paniniwala. Kailangan ba nating pagtantuhan an gating makasalanang kundisyon para maligtas? Siyempre, oo! Maliban nalang kung malaman mong may sakit ka, hindi mo na kaylangang pagtantuhan na kailangan mong magpunta sa manggagamot. At sa parehong pag-iisip, hindi natin unang papagalingin ang ating mga sarili, bago magpunta sa manggagamot. Lalo na kung ang manggagamot ay may isang daang pursyento ng tagumpay sa lahat ng nagtanong sa kanya. (Juan 6:37) Sa Sandaling ang tao ay nailigtas na, sila ay nagsisimulang lumago sa biyaya sa pamamagitan ng pagkain ng katotohanan sa Salita ng Diyos (1 Pedro 2:2). Bilang isang mananampalatayang lumalago sa Katotohanan, siya ay nagtatanto na merong mga pagbago sa kanilang buhay na kailangang gawin. Ang Banal Na Espiritu ng Diyos ay nagtatrabaho sa puso ng tao. Kaya, tayo ay nagsisimulang makita ang BUNGA ng tunay na pagsisi; at HINDI isang paunang kinakailangan para sa kaligtasan o isang bahagi ng nagliligtas na pananampalataya. Ang pagbabago ay dumarating bilang isang resulta ng tunay na pagsisisi; hindi bilang isang paraan. Sa Ebanghelyo ng Juan, ang salitang ,maniwala ay binanggit ng walongput-limang beses;pero ang salitang “pagsisi” ay hindi binanggit kahit isa. Ito ay klaradong ebidinsya na ang makasalanang tao na naniwala sa Panginoon para sa kaligtasan ay nagsisi din. Ang Pagbabago ay DUMADATING PAGKATAPOS ng pagligtas sa tao, HINDI nauuna:2 Mga Taga Corinto 5:17 ay nagbabasang, “"Kaya't kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila'y pawang naging mga bago." Pakipansin na ang tao ay hindi “nagiging bagong nilalang” hanggang matapos na siya ay nasa kay Kristo (ligtas). Ang Pagbabago ay dumadating pagkatapos maligtas ang tao. Ang Kaligtasan ay dumadating sa pamamagitan ng batang katulad (simpleng) na pananampalataya sa Panginoong HesuKristo, walang maaaring maidagdag. Ang taong nagsisi ng tunay mula sa pagtatanggi kay Kristo patungo sa pananampalataya sa kay Kristo ay magbibigay ng ebidensya ng pagbabagong buhay (2 Taga Corinto 5:17; Mga Taga Galatia5:19-23; Santiago 2:14-26). Ang pagsisisi bilang pagbago mula sa “hindi paniniwala” patungo sa “paniniwala /pagtiwala sa Panginoon’’, wastong natukoy, ay kailangan sa kaligtasan. Ang Bibliyang Pagsisi ay pagbabago ng iyong pag-iisip tungkol kay HesuKristo at pagbalik sa Diyos sa pananampalataya para sa kaligtasan (Mga Gawa 3:19). Ang pagtalikod sa kasalanan ay hindi kahulugan ng pagsisisi, ngunit ito ay isa sa mga resulta ng tunay, na pagsisising nakabasi sa pananampalatay sa Panginoong HesuKristo. Ngunit![]() Matuwid B. Kambing “Kahit ang mga demonyo ay naniniwala”Iyan ang pagpigil ng mga kritiko sa pagtugon sa ‘simpleng plano ng Diyos’. Si Jesus ay nagsasabi sa atin na "sino man ang maniwala" ay ligtas.Si Jesus ay hindi na nagdadagdag ng sobra pa sa kanyang pahayag sa Juan 3:16. Hindi siya nagdadagdag ng anuman “mga at, mga kung, o mga ngunit.’’ Siya ay nagsasabing “sino man ang maniwala’’ sa kanya ay ligtas. Ngunit, gaya ng mga ating kritiko na gustong ituro, kahit ang mga demonyo ay naniniwala –at nanginginig! !(Santiago 2:19) Ang simpleng paniniwala ay hindi sapat, ang sabi nila sa atin. Sinuman ay maaaring maniwala—Ang mga demonyo ay patunay!Bakit kahit ang pananampalataya ng ilang tao ay hindi nawala gaya sa mga demonyo. Sila ay naniniwala at nangangatog. Sabin ng ilang tao sila ay naniniwala, ngunit hindi man lang nanginig sa harap ng Panginoon sa pag-iisip ng kabigatan ng kasalanan. Marami ang hindi man lang nanginig sa pag-iisip na tinatawag sa pamamagitan ng Diyos. Walang awa para sa isang nanginginig na demonyo, ngunit pa gang tao na ang nanginginig sa harap ng Diyos, siya ay malapit sa kaligtasan. "But to this man will I look, even to him that is poor and of a contrite spirit, and trembleth at my word" (Is. 66:2). Tandaan, walang mga hindi naniniwala sa impyerno, Iyakan at pagngalit ng ngipin ang maging kapalaran ng mga hindi ligtas magpakailanman. Anong katotohanan ang maaari mong, at tangi mong, paniwalaan tungkol kay Jesus, na walang diyablo/demonyong posibleng maniwala?![]() “Na masdan natin si Jesus na gumawa at sumakdal ng ating pananampalataya, na siya dahil sa kagalakang inilagay sa harapan niya ay nagtiis ng krus, na niwalang bahala ang kahihiyan, at umupo sa kanan ng luklukan ng Dios.” . Hebrews 12:2 Bawat Diyablo sa impyerno, ay naniniwala na si Jesus ay nagliligtas, alam na si Jesus ay nagliligtas, ngunit walang isa sa kanila ang makaalam sa kanilang puso at makapagsabi na “ako ay naligtas ni Jesus’’. Naligtas ka na ba ni Jesus? O, sinusubukan mo pang linisin ng una ang sa labas? Mat 23:27 |